Presyo ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan tumaas ng 10 hanggang 15%

By Angellic Jordan December 27, 2018 - 09:44 PM

Nadagdagan ng 10 hanggang 15 porsyento ang presyo ng iba’t ibang paputok sa Bocaue, Bulacan partikular ang mga pailaw at fountain.

Batay sa ulat, pumapatak na sa P50 hanggang P60 ang bawat isang pailaw kumpara sa P100 halaga sa kada tatlong piraso nito noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association Inc., Ito ay dahil sa limitadong suplay ng mga paputok ngayong taon dahil sa regulasyon sa paggawa ng paputok sa bansa.

Ani Leah Alapide, nagkaroon ng delay at kakulangan sa mga kailangang chemical dahil sa mga guideline at pronouncement.

Dahil dito, sinabi ng Business Permits and Licensing Office ng Bocaue, Bulacan na nabawasan ang mga bilang ng mga manufacturer na nag-apply ngayong taon.

Malaking epekto aniya ang inilabas na Executive Order No. 28 ni Pangulong Rodrigo Dutertepara sa pag-regulate sa paggamit ng mga paputok sa bansa.

TAGS: Bagong Taon 2019, fountain, pailaw, Paputok, Bagong Taon 2019, fountain, pailaw, Paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.