Publiko, pinaalalahan ng PNP ukol sa indiscriminate firing

Limang araw bago ang Bagong Taon, nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga insidente ng indiscriminate firing.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mga pulis o sibilyan na makikitang ilegal na magpapaputok ng baril.

Ani Durana, sinumang opisyal ang masangkot sa indiscriminate firing ay mabibigyan ng parusa o kaya ay masisibak sa pwesto.

Tulad nang nagdaang dalawang taon ng Duterte administration, seselyuhan ng PNP ang dulo ng kanilang mga baril sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Tiwala naman aniya ang opisyal sa professionalism ng mga pulis.

Samantala, nakataas aniya sa full alert ang PNP sa kasagsagan ng pagsalubong sa taong 2019.

Magiging bukas din aniya 24/7 ang 911 national emergency hotline para dito.

Read more...