Para patunayan ang kanilang pagtuon sa regional maritime security, bibisitahin ni US President Barack Obama ang Philippine Navy flagship ngayong Martes, November 17.
Sa isang pahayag, idinetalye ng White House ang mga plano ni Obama sa unang tatlong araw ng kaniyang pagbisita sa bansa para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.
Kabilang dito ang agad niyang pagtungo sa BRP Gregorio del Pilar pagkadating niya sa Pilipinas.
Ayon din sa mga aides ni Obama, una nang sinabi ng presidente na nagplano siya ng event na magpapakita ng pagbibigay ng US maritime security assistance sa Pilipinas at sa rehiyong kinabibilangan nito.
MOST READ
LATEST STORIES