Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, umabot na sa 6,000

By Angellic Jordan December 27, 2018 - 06:57 PM

Mahigit 6,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa dahil sa Bagyong Usman.

Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 6,445 na pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas, Bicol at Northern Mindanao hanggang Huwebes ng tanghali.

Kalahati sa naturang bilang ang naitala sa limang pantalan sa Bicol region.

Samantala, naipit naman ang 380 rolling cargoes, 33 vessels at 19 motor bancas sa mga pier.

Sinuspinde na ang vessel trips sa 11 lugar dahil sa lakas ng tubig sa mga dagat kabilang sa Southern Leyte, Northern Samar at Dinagat Islands.

Sinuspinde na rin ng PCG ang lahat ng sea travels mula sa Surigao City sa Surigao del Norte.

TAGS: Bagyong Usman, pantalan, PCG, Bagyong Usman, pantalan, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.