Mga baril ng mag-amang Garin kukumpiskahin na ng PNP

By Isa Avendaño-Umali December 27, 2018 - 03:57 PM

FB photo

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang kanselasyon ng lahat ng “Permits to Carry Firearms outside of Residences” at “License to Own and Possess Firearms” na inisyu ng PNP kina Iloilo Rep. Richard Garin at Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin.

Ito’y kasunod ng umano’y pananakit ng mga Garin sa isang pulis na kinilalang si PO3 Federico Macaya.

Ayon kay Albayalde, ang kanselasyon ng lisensya ng mga armas ng mag-amang Garin ay bilang administrative action ng PNP.

May kapangyarihan aniya ang pambansang pulisya na bawiin ang lisensya lalo na kapag may ginamit ang mga armas sa pang-aabuso, alinsunod na rin sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Batay sa firearms database, sinabi ni Albayalde na si Congressman Garin ay registered owner ng labing-isang armas; habang si Mayor Garin ay registered owner ng walong armas.

Gayunman, sa mga armas ni Congressman Garin, tatlo doon ay mayroong expired licenses, samantalang expired na rin ang lisensya ng limang armas ni Mayor Garin.

Pinakukumpiska na rin ng PNP Chief ang mga armas ng mag-ama, dahil lalabas na loose firearms ang mga ito matapos tanggalan ng lisensya.

Nauna nang sinabi ng PNP na hindi nila palalampasin ang panggugulpi ng mag-amang Garin sa nabanggit na pulis.

Humingi naman ng tawad si Congressman Garin sa nangyari.

TAGS: albayalde, guimbal iloilo, guns, ltofp, oscar garin, Permit to Carry, PNP, richard garin, albayalde, guimbal iloilo, guns, ltofp, oscar garin, Permit to Carry, PNP, richard garin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.