Cong. Garin posibleng maharap sa ethics complaint sa Kamara
Posibleng imbestigahan ng Kamara ang pambubugbog na ginawa ni Iloilo 1st District Rep. Richard Garin sa isang pulis.
Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, kailangan ng valid compaint laban kay Garin bago ito maimbestigahan ng Kamara.
Maari anya itong isampa sa Ethics Committee ng Kamara ng isang indibidwal o miyembro ng Kamara.
Sa ilalim ng rules ng Mababang Kapulungan, ang sinumang indibidwal na naagrabyado ng isang kongresista ay maaring maghain ng ethics complaint sa Secretary-General na siyang magre-refer sa Rules Committee.
Kapag natanggap ng Rules Committee ikakalendaryo ito sa plenaryo ng Kamara para sa 1st reading at saka naman ibababa sa House Ethics Committee.
Si Garin kasama ang kanyang ama na si Mayor Oscar Garin ay napaulat na nambugbog ng isang pulis sa lalawigan ng Iloilo noong araw ng Martes.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesman C/Supt. Benigno Durana, pinosas pa ni Garin at dinuraan sa mukha ang pulis na si PO3 Federico Macaya.
Hindi pa doon natapos ang gulo dahil nagpaputok rin ng baril ang nasabing kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.