Nagbabala si dating police general at ngayon ay Antipolo City Rep. Romeo Acop na lumakas ang loob ng mga gun-for-hire kung hindi kaagad mareresolba ang pamamaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at kanyang police escort sa Daraga, Albay.
Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Chair at Antipolo Rep. Romeo Acop, posibleng maging mitsa ang pagpatay kay Batocabe upang muling mamayagpag ang mga gun-for-hire groups upang mag-assassinate ng mga high-profile political leaders nationwide ngayong papalapait na ang May 2019 midterm poll.
Paliwanag nito, iisipin ng mga miyembro ng gun-for-hire groups na madaling makalusot sa batas at ganoon kadali ang pumatay ng congressman kung hindi ang mga ito mapapanagot sa pamamaslang sa mambabatas at kanyang aide.
Malaking advantage anya sa mga kriminal ang kabiguan ng mga otoridad na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Batocabe at kanyang escort.
Si Batocabe at ang kanyang police aide na si SPO1 Orlando Diaz ay pinagbabaril hanggang sa matapatay noong Sabado ng hapon matapos dumalo sa isang gift-giving event sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay.
Sinabi naman ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez na siyang pinuno ng Visayan bloc sa Kamara na ang pagpatay kay Batocabe ay pag-atake sa Kongreso bilang institusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.