Biyahe ng mga RoRo Bus sinuspinde ng LTFRB dahil sa bagyong Usman
By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2018 - 11:30 AM
Sinuspinde na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng mga RoRo Bus.
Ito ay ang mga bus na sumasakay sa mga barko upang makatawid ng dagat.
Iniutos ni LTFRB Chairman Martin Delgra na suspendihin na at huwag nang paalisin sa mga terminal ang mga RoRo Bus lalo na kung ang biyahe nila ay sa mga lugar na apektado ng bagyong Usman.
Mahihimpil lang kasi sa mga pantalan ang mga bus at kanilang pasahero dahil suspendido na ang biyahe ng mga barko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.