Bagyong Usman bahagyang bumagal; 21 lugar sa bansa isinailalim sa public storm warning signal number 1

Bahagyang bumagal ang kilos ng tropical depression Usman habang ito ay kumikilos papalapit sa Eastern Samar.

Sa 11AM weater bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa 450 kilometers East ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Itinaas na ng PAGASA ang signal number 1 sa sumusunod na lugar:

Luzon:
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
and Masbate
including Ticao and Burias Islands

Visayas:
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu including Camotes Islands
Aklan
Capiz
Northern Iloilo and Northern Negros Occidental

Mindanao:
Dinagat Island

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Usman ay maghahatid ng hanggang sa malakas na buhos ng ulan na maaring magdulot ng flashfloods at landslides sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Dinagat Islands ngayong araw.

Sa susunod na weather bulletin ng PAGASA madaragdagan pa ang mga lugar na sasailalim sa signal number 1.

Bukas bago ito tumama sa kalupaan ng Eastern Samar ay lalakas pa ang bagyo at magiging isang Tropical Storm.

Sa Lunes ng umaga, Dec. 31 inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

Read more...