Motarium sa labor inspection kapalit ng pag-regular sa mas marami pang empleyado alok ng DOLE sa ECOP
Nangako ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na ireregular ng kanilang mga miyembro ang malaking bilang ng mga manggagawa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, magsisimula ang ECOP na iregular ang 40 percent ng lahat ng empleyado ng mga kumpanyang kanilang miyembro.
Pagkatapos nito, sinabi ni Bello na bibigyan nila ng time frame ang ECOP para gawing 100 porsyento na ang regularisasyon sa mga manggagawa.
Kumpiyansa ang DOLE na makasusunod ang ECOP sa itatakdang time frame.
Bilang kapalit nito sinabi ni Bello na kung tutuparin ng ECOP ang pangako, magpapatupad naman ang DOLE ng moratorium sa pagsasagawa ng labor inspections sa mga kumpanyang miyembro ng grupo.
Magsasagawa lang aniya ng inspeksyon ang DOLE kung mayroong empleyadong magrereklamo laban sa isang kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.