Mahigit 1,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Usman
Nakapagtala ng mahigit isang libong stranded na pasahero ang Philippine Coast Guard sa mga pantalan sa bansa dahil sa epekto ng bagyong Usman.
Sa abiso ng PCG, as of alas 8:00 ng umaga kanina, 1,287 ang mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan.
Pinakamaraming stranded na pasahero na naitala ay sa Port of San Ricardo sa Southern Leyte na umabot sa 362, sinundan ng Port of Dinagat na mayroong 355 na stranded at ikatlo ang Port of Calbayog na mayroong 205 na mga pasaherong stranded.
Nagtala din ng stranded na pasahero sa mga pantalan ng Balwarteco at Jubusan sa Northern Samar, at sa Maasin at Liloan sa Southern Leyte.
Una rito, nag-abiso ang coast guard na suspendido ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa Sorsogon, Masbate at Ticao Island sa Luzon; Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu at Camotes Island sa Visayas; at Dinagat Island sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.