Target na mataas na revenue makakamit ng bansa ngayong taon

By Erwin Aguilon December 27, 2018 - 09:39 AM

Naniniwala si House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chair Henry Ong na makukuha pa rin ng bansa ang target na mataas na revenue dahil sa remittance ng mga OFW bago matapos ang taon.

Ayon kay Ong, kahit na bumama ang OFW remittances sa Gitnang Silangan umakyat pa rin $26.5B ang OFW remittances mula buwan ng Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Paliwanag ng mambabatas, ito ay dahil sa money transfers ng mga OFW mula sa Africa, Europe, Ocenia, Pacific Islands, USA, Canada at iba pang bahagi ng Asya.

Malaking bahagi ng OFW remittances ay mula sa Africa na tumaas ng 22.7% o $113.23 million mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon mula sa dating $92.3 million noong 2017.

Tumaas din ang Europe OFW remittances sa 8.7% o $3.44 billon mula sa $3.16 billion dahil na rin sa mga Filipino seafarers, nurses, engineers, farmers at household service workers.

Umangat naman sa 11.5% o $647 million mula sa $580.4 million (dollars) ang remittances sa Pacific Island at Oceania Regions.

Habang sa Estados Unidos ay tumaas sa $8.2 billion (dollars) o 6% ang OFW remittances at sa Canada naman ay umangat ng 54.1% o $806.36 million ang remittances.

Gayunman, hindi anya dapat magpakakampante ang gobyerno dahil sa pinakamaraming OFW ang nagtatrabaho sa Middle East.

TAGS: House of Representatives, OFW Remittances, House of Representatives, OFW Remittances

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.