Pre-emptive evacuation sa 2,700 na barangay na prone sa landslide inirekomenda na ng NDRRMC
Inirekomenda na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang paglilikas sa mga residenteng maaring maapektuhan ng pagtama ng bagyong Usman.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NDRRMC spokesperson, Dir. Edgar Posadas, may inilatag na silang listahan ng 2,700 na mga barangay na pawang landslide prone areas.
Ang nasabing mga barangay ay tinukoy na highly-susceptible sa landslide ng Mines Geosciences Bureau ng DENR.
Sinabi ni Posadas na naabisuhan na ang mga lokal na pamahalaan sa nasabing mga lugar para magpatupad ng pre-emptive evacuation.
Sinabi ni Posadas na ang nasabing mga barangay ay matatagpuan sa Eastern Samar, Bicol Region at MIMAROPA.
Malawak kasi aniya ang diameter ng bagyong Usman at sa sandaling maging tropical storm ay lalawak pa ang diametro nito.
Umapela naman si Posadas sa publiko na makinig sa kanilang lokal na pamahalaan sa sandaling ipatupad na ang paglilikas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.