Magkapatid patay sa sunog sa Binangonan

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2018 - 08:07 AM

Patay ang magkapatid na isang taong gulang at siyam na buwang gulang mattapos masunog ang kanilang bahay sa Binangonan, Rizal kahapon (Dec. 26) ng umaga.

Kinilala ni Sr. Supt. Dionisio Bartolome ng Rizal Provincial Police Office ang nasawing magkapatid na sina Joanna at Jonalyn Villapando.

Natupok ang barong-barong ng pamilya Villapando at nang maapula ang apoy, natafpuan ang wala nang buhay na magkapatid.

Naiwan umano ang magkapatid sa bahay dahil lumabas ang kanilang ina dahil mayroon itong bibilhin.

Ang dalawa namang mas nakatatandang anak ay kapwa naglalaro sa labas habang nasa trabaho ang padre de pamilya.

Ayon sa mga otoridad posibleng ang sumingaw na maliit na LPG ng pamilya ang dahilan ng sunog.

TAGS: Binangonan Rizal, fire incident, Radyo Inquirer, Binangonan Rizal, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.