Sa abiso ng Department of Homeland Security (DHS) nakasaad na natukoy nilang hindi epektibo ang seguridad na ipinatutupad sa NAIA at hindi nakatutugon sa security standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Ito umano ang lumabas matapos ang ginawang assessments ng grupo ng security experts mula sa Transportation Security Administration (TSA).
Dahil dito, inatasan ng DHS ang mga airline company na may biyahe sa Amerika to Manila at pabalik na bigyan ng notice ang mga pasahero hinggil sa sa abiso.
Ipinag-utos din ang pagpapaskil ng travel advisory sa malahat ng paliparan sa Amerika na mayroong mga airline na may biyahe sa Manila.
Sinabi naman ng DHS na may koordinasyon ito sa pamahalaan ng Pilipinas para maasistihan ang bansa upang maitaas ang security standard ng NAIA at makasunod ito sa itinatakda ng ICAO.