2 lalaki, arestado matapos mahulihan ng shabu at marijuana sa Brgy. Culiat Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2018 - 06:26 AM

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Quezon City.

Isang concerned citizen ang nagsumbong umano sa mga pulis hinggil sa bentahan ng ilegal na droga sa bahagi ng Barangay Culiat.

Nang magkasa ng operasyon, nahuli ng mga otoridad ang suspek na si Alyas Elmer na nakuhanan ng isang sachet ng marijuana.

Agad namang itinuro ni Elmer kung sino ang pinagkukuhanan niya ng ilegal na droga.

At sa follow up operation ay naaresto naman si Alyas Renz na nahulihan ng ilang sachet ng marijuana at shabu.

Ang dalawa ay kapwa dati nang naharap sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga, illegal possession of firearms at alarm ang scandal. (END/DD)

 

TAGS: QCPD, quezon city, War on drugs, QCPD, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.