LOOK: Pacman sinimulan na ang training sa Los Angeles

Manny Pacquiao

Kahit Pasko ay nag-ensayo pa rin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Sa ngayon ay nasa Los Angeles, California na si Pacman at doon ipagpapatuloy ang kanyang tatlong linggong training bago makaharap si Adrien Broner sa January 19.

Ibinahagi ni Pacman ang ilang litrato sa kanyang training sa LA, kasama ang Team Pacquiao, maging ang kanyang panganay na si Jimuel.

Hindi inalintana ni Pacquiao ang lamig ng winter sa Amerika at nag-jogging pa kasama ang kanyang team.

Sa harap din ng kanyang mga taga-hanga ay nagpakita ng ilang stunts sa shadowboxing ang Pambansang Kamao, bago nagpaunlak na magsagawa ng stomach crunches.

Dedepensahan ni Pacman ang kanyang WBA welterweight belt laban sa challenger na si Broner sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Read more...