WATCH: Mommy Pinty nabiktima ng prank nina Toni at Alex Gonazaga

By Justinne Punsalang December 27, 2018 - 12:07 AM

Alex Gonzaga

Walang kamalay-malay ang momager o mom-manager ng magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga na mabibiktima siya ng mga ito sa isang prank.

Sa latest episode ng vlog ni Alex, ibinahagi nito ang isang prank video kung saan kasama at accomplice niya ang ate na si Toni at biniktima ang kanilang ina na si Mommy Pinty.

Ayon kay Alex, napag-isipan nilang gumawa ng #AskToniandAlex video ngunit pareho nilang ginusto ni Toni na i-prank na lamang ang ina.

Kaya naman kapwa nila ito ginawa sa isang video kung saan nagkunyare silang mag-aaway sa harapan ni Mommy Pinty.

Sa una ay sinagot ng magkapatid ang tanong ng kanilang mga fans, ngunit kalaunan ay nagsagutan na ang dalawa, matapos sabihin ni Toni na walang ‘substance’ ang mga sagot ni Alex kaya naman nawawalan din ng ‘substance’ ang kanyang video.

Nagpatuloy ang pagsasagutan ng magkapatid, hanggang sa hinila ni Alex ang buhok ni Toni na gumanti naman ng paghampas sa nakababatang kapatid.

Kapwa pa naiyak ang dalawa dahil sa ‘lala’ ng kanilang pag-aaway.

Wala nang nagawa si Mommy Pinty kundi ang matawa nang malamang prank lamang ang pag-aaway ng kanyang mga anak.

Aniya, dahil sa ibang mga tao sa lugar ay pinigilan niya ang sarili na pagalitan ang kanyang mga anak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.