Kalakaran ng iligal na droga sa Ilocos Norte patuloy ang paghina

By Justinne Punsalang December 27, 2018 - 03:28 AM

INQUIRER File Photo

Ipinagmalaki ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang paghina ng kalakaran ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Sa isang panayam, sinabi ni Ilocos Norte Provincial Police operations officer, Chief Inspector Randy Baoit, patuloy ang pagbaba ng supply and demand ng shabu sa lalawigan.

Aniya ang naturang progreso ay dahil sa walang patid na operasyon ng mga otoridad kontra sa mga drug suspek.

Mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, 150 mga drug personalities ang kanilang naaresto.

Kaugnay nito, 121 gramo ng shabu at 197 gramo ng marijuana ang kanilang nasabat, bukod pa sa 23 mga baril at anim na mga pampasabog.

Samantala, mula naman noong July 1, 2016 hanggang November 30 ngayong taon, 6,459 mga residente ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Ayon naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 520 mga drug-affected barangay sa Ilocos Norte ang malapit nang ideklarang drug free.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.