Dating alkalde sa Camarines Sur inabswelto sa kasong graft
Inabswelto ng Sandiganbayan ang isang dating alkalde ng isang bayan sa Camarines Sur mula sa kasong graft.
Sa pamamagitan ng ruling na may petsang November 23, sinabi ng Sandiganbayan 7th Division na hindi maaaring maging liable si dating Pili Mayor Tomas Bongalonta, Jr. sa illegal dismissal kay Eileen Ceron na dating municipal accountant.
Gayunpaman, ipinag-utos ng anti-graft court ang pagbabayad ni Bongalonta ng monetary claims ni Ceron.
Sa reklamo ni Ceron, sinabi nito na noong October 2005 ay ipinag-utos ni Bongalonta ang kanyang dismissal.
Aniya dahil sa dismissal, hindi niya natanggap ang kanyang mga sweldo at iba pang benepisyo na nagkakahalaga ng P955,285.06.
Dahil sa naturang reklamo, 90 araw nasuspinde sa trabaho si Bongalonta noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.