Pinili ng apat na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa militar upang makasama ang kani-kanilang mga pamilya sa bisperas ng Pasko.
Ayon sa 33rd Infantry Battalion, nagbaba ng mga armas ang apat sa Barangay Masig sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Nabatid na ang apat ay kabilang sa grupo ng mga rebeldeng nangongolekta ng revolutionary tax o nangingikil ng pera mula sa mga magsasaka.
Isinuko ng mga komunistang rebelde ang kanilang mga armas, kabilang ang isang kalibre .30 M1 rifle, isang KG9 machine pistol, isang 9mm na baril, at dalawang fragmentation grenades.
Sasailalim ang mga sumukong rebelde sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES