Tricycle na may dalang mga paputok nasunog sa Bocaue, Bulacan

Kuha ni Mark Fred

Nasunog ang isang tricycle na may dalang paputok bandang 10:30 ng umaga kanina sa McArthur Highway sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan.

Naganap ang sunog matapos sumayad sa kalsada at magliyab ang ang luces na mas kilala sa tawag na tungkod.

Agad namang nakaalis ang driver ng tricycle matapos ang pagsabog ng mga paputok na dala nito.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Bocaue at ng Bureau of Fire and Protection ang insidente.

Read more...