VP Robredo, nagbakasyon sa Vietnam ngayong Pasko
By Rod Lagusad December 26, 2018 - 04:16 PM
Nagbakasyon sa Vietnam si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang tatlong anak na sina Aika, Tricia at Jillian.
Magtatagal ng apat na araw si Robredo sa nasabing bansa para sa reunion sa pamilya ng namayapa niyang asawa na sii
dating Interior Secretary Jesse Robredo.
Sa Instragram post ni Aika, makikita ang isang video na magkakasama ang mag-iina.
May caption ang naturang post na ‘Brgy. Robredo in Hanoi, Vietnam’.
Nakatakadang bumalik si Robredo sa bansa sa December 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.