Anti-Mendicancy Law, dapat nang amyendahan – NCRPO chief
Nanawagan si National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar sa pamahalaan na amyendahan na ang Anti-Mendicancy Law.
Sa panayam ng Banner Story ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na napapanahon nang amyendahan ang naturang batas na nagsimula noon pang panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Aniya, ang nagpapalimos ay may katapat na mababang halaga ng multa bilang parusa, kaya marami pa rin talaga ang gumagawa nito.
Sa Anti-Mendicancy Law, ang mga magbibigay ng limos ay magmumulta lamang ng hindi hihigit sa bente pesos.
Ang mga hihingi naman ng limos ay may parusang multa na hindi tataas sa P500.00 o pagkakakulong ng hindi hihigit sa dalawang taon.
“I believe it needs an intervention from the national government. Kasi tungkulin natin, ng DSWD. They can only have them in custody for sometime. Kung pumayag sila na umuwi ng probinsya, better, pero kung hindi babalik at babalik sila sa lansangan. Kailangang makipagtulungan ang lahat, ito sa Anti-Mendicancy Law, bawal na tayo ay mamalimos at magpalimos,” ani Eleazar.
Batay sa huling datos ng NCRPO, higit isang libong indigenous people o IPs na namamalimos ang nasagip ng mga otoridad, nitong holiday season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.