LOOK: Sangkaterbang basura, iniwan ng mga nagdiwang ng Pasko sa Luneta Park
Kaunti na lamang ang namamasyal sa Luneta Park, sa lungsod ng Maynila ngayong araw (December 26).
Pero, nagkalat naman ang sangkaterbang basura sa parke na iniwan ng mga nagdiwang ng Pasko doon kahapon (December 25).
Kaya maaga pa lamang ay naging abala na ang mga street sweeper sa paglilinis sa Luneta Park.
Kabilang sa mga nakolekta sa parke ay mga gamit na plastic bottles, cups at bags, at iba pang mga basura.
Dismayado naman ang Ecowaste Coalition dahil hindi pa rin natututo ang marami sa mga tao ukol sa tamang pagtatapon ng basura.
Ayon kay Aileen Lucero ng Ecowaste Coalition, walang masama sa pagdiriwang, pero sana’t maging responsable ang lahat sa pagtatapon ng mga“holiday trash.”
Aniya pa, sa “littering” ay walang nasasampolan o napaparusahan kaya marami pa rin ang namimihasa sa walang habas na pagtatapon ng kalat.
Kinalampag naman ni Lucero ang pamahalaan na ipatupad na ang National Plastic Ban.
LOOK: Mga namamasyal sa Luneta, kaunti ang bilang pero basura nagkalat | @ricksmile18 pic.twitter.com/UxgbHhXCSE
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 26, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.