Disqualification case vs. Sen Poe dedesisyun na bukas ng SET

By Den Macaranas November 16, 2015 - 07:12 PM

grace-poe3
Inquirer file photo

Aminado si Sen. Grace Poe na kinakabahan siya sa magiging desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay sa disqualification case na isinampa laban sa kanya.

Sinabi ni Poe na dahil siya’y tao kaya nakararamdam siya ng pagkakaba lalo’t bukas ay ilalabas na ng SET ang kanilang desisyon sa kaso.

Nauna nang kinuwestyon sa SET ang citizenship ni Poe na isa sa mga kandidato sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.

Pero ngayon pa lang tiniyak na ng kampo ng mambabatas na kung sakaling hind maging pabor sa kanila ang desisyon ng SET ay kanila itong iaapela sa tamang venue.

Kasapi sa Senate Electoral Tribunal ang mga sumusunod:

• Senior Justice Antonio Carpio, chairman

• Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro, member

• Associate Justice Arturo Brion, member

• Senator Loren Legarda, member

• Senator Paolo Benigno Aquino, member

• Senator Pia Cayetano, member

• Senator Cynthia Villar, member

• Senator Vicente Sotto III, member

• Senator Nancy Binay, member

TAGS: 2016, poe, SET, 2016, poe, SET

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.