Sugatan sa paputok umabot na sa 13 – DOH
By Dona Dominguez-Cargullo | @donadominguez December 26, 2018 - 07:16 AM
Umabot na sa 13 ang sugatan dahil sa paputok, ayon sa Department of Health (DOH).
Base sa Fireworks Related Injury Surveillance report ng DOH, 12 sa mga ito ay nasugatan ng dahil sa paputok habang ang 1 ay nakalunok ng pulbura.
Ang nasabing datos ay naitala mula December 21 hanggang 25, 2018.
Sa nabanggit na bilang, tig-tatatlo ang nairekord mula sa NCR, Region 2 at Region 7.
Mayroon namang dalawa na nasugatan sa Region 6 at tig-isa sa Region 9 at ARMM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.