Publiko dumagsa sa mga sinehan sa unang araw ng MMFF

By Dona Domiguez-Cargullo December 26, 2018 - 07:02 AM

Gaya ng inaasahan, dumagsa sa mga sinehan ang publiko para sa unang araw ng Metro Manila Film Festival.

Pinilahan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF lalo na ang mga pambata ang tema.

Ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer target nilang umabot sa P1 billion ang kita ng festival ngayong taon.

Gayunman, mauunawaan naman aniya nila kung hindi nila maaabot ang target dahil ramdam pa ng mga tao ang naging dulot ng inflation.

Mahal na din aniya ang manood sa sinehan ngayon hindi gaya noon.

Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit P1 billion ang kinita ng MMFF.

TAGS: MMFF 2018, MMFF 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.