Higit 15K pasaherong sumakay ng barko naitala ng PCG
Umabot sa mahigit 15,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan ng bansa.
Sa huling datos ng PCG, pinakamarami sa naitalang sumakay ng mga barko at bangka sa Central Visayas, partikular sa Cebu at Bohol, na umabot sa 4,345.
Sinundan ito ng Bicol Region na may 2,315; pangtatlo sa Eastern Visayas na may 1,954 mga pasahero; pang-apat na may pinakamaraming pasahero ay sa Western Visayas sa 1,828 na bilang.
Kakaunti na lamang naman ang mga pasahero na naitala sa Southern Tagalog at National Capital Region (NCR).
Paliwanag ni Coast Guard Spokerperson Captain Arman Balilo, marami na ang mga nakauwi nitong mga nakalipas na araw at mga humahabol na lamang para mag-Pasko sa kanilang lugar ang huling mga naitala sa mga pantalan.
Patuloy pa rin naman ayon kay Balilo ang kanilang ipinapatupad na mahigpit na seguridad sa mga pantalan gayundin sa mga bumibyaheng bapor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.