Kaso ni dating Cadet Cudia laban sa PMA ibinasura ng Korte Suprema
Tuluyan nang isinara ng Korte Suprema ang kasong inihain ni dating Philippine Military Academy Cadet Aldrin Jeff Cudia Laban sa Philippine Military Academy (PMA).
Iyan ay makaraang pinal nang ibasura ng Mataas na Hukuman ang ikatlong motion for reconsideration na inihain ni Cudia.
Kinilala ng Mataas na Hukuman ang Honor Code sa PMA na may kapangyarihan na gumawa ng paglilitis sa mga administrative cases nang hindi na isinasailalim sa judicial proceedings.
Sinabi rin ng Supreme Court na sa simula pa lamang bago pumasok sa PMA ay alam na ni Cudia ang kahalagahan ng Honor Code at ang paglabag dito ay mangangahulugan ng pagsipa sa kanya sa nasabing institusyon.
Matatandaang nakasaad sa 3rd motion for recomsideration ni Cudia ang kahilingan na ilabas ang kanyang academic records kabilang na ang mga sumusunod:
– Diploma o certificate of completion of academic subjects – General weighted average na sertipikado ng PMA School Registrar.
– Certificate of good moral character at honorable dismissal
– Certificate of discharge para mabigyan ng pagkakataon si Cudia na makapag-enrol sa ibang eskwelahan at ang kanyang transcript of records.
Mahalaga umano ang mga nasabing dokumento para ganap nang makapag-enrol si Cudia sa University of the Philippines College of Law.
Sa kanyang ikatlong mosyon, umapela si Cudia ng pang-unawa mula sa hukuman dahil hindi na kakayanin ng kanyang pamilya na suportahan ang kanyang pag-aaral kung siya ay uulit pa sa first year college ng undergraduate course.
Idinagdag pa ni Cudia sa mosyon ang kondisyon ng kanyang ama na si Ginoong Renato Cudia na half-paralyzed matapos dumanas ng brain stroke at ang kanyang ina naman ay walang trabaho kaya mahihirapan na maigapang ang kanyang pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.