Pulis-Parañaque namahagi ng regalo sa Baclaran
Imbes na baril ay mga regalo’t pagkain ang dala ng mga elemento ng Parañaque City Police sa gabi ng Pasko.
Nagtungo ang mga pulis sa Barangay Baclaran para sa isang feeding at gift-giving program.
Pinangunahan ng hepe ng Police Community Precint (PCP) 1 ng Parañaque Police na si Police Chief Inspector Ohmar Bognot ang aktibidad kung saan nasa 200 mga bata ang kanilang hinandugan ng regalo at pagkain para sa Pasko.
Ayon kay Bognot, bukod sa munting Pamasko ay layon din ng kanilang programa ang mailapit sa mga komunidad ang mga pulis dahil aniya, marami ang natatakot sa mga ito bunsod ng madugong anti-drug operations sa bansa.
Aniya pa, kahit hindi Pasko ay mananatiling bukas at handa ang mga pulis na tumulong sa mga nangangailangan ng kanilang serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.