Northern Mindanao walang naitalang firecracker at gun-related injury noong Pasko

By Justinne Punsalang December 26, 2018 - 01:29 AM

Walang naitalang anumang kaso ng firecracker injury at ligaw na bala ang Police Regional Office (PRO) 10 sa Northern Mindanao nitong katatapos na Pasko.

Ayon sa tagapagsalita ng PRO-10 na si Superintendent Surki Sereñas, bukod sa sunog na naganap sa Barangay Bugo, Cagayan de Oro ay wala nang iba pang insidente silang naitala sa pagdiriwang ng Pasko.

Gayunpaman, tiniyak ni Sereñas na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa mga gagamit ng paputok at baril, lalo na sa hanay ng mga pulis, habang hindi pa natatapos ang mga selebrasyon, partikular ang Bagong Taon.

Muli namang nagpaalala si Superintendent Robert delos Reyes ng PRO-10 sa mga nagbebenta ng paputok na huwag nang subukang magtinda pa ng mga ipinagbabawal dahil tiyak lamang na makakasuhan ang mga ito.

Aniya, kahit ipinagbabawal ay mayroon pa ring mga backdoors kung saan nakalulusot pa rin ang mga ipinagbabawal na paputok sa merkado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.