Barangay kagawad binaril sa Maynila

Sa bisperas ng Pasko ay isang barangay kagawad ang binaril sa Ermita, Maynila.

Sa ngayon ay kritikal ang kundisyon ni Barangay 670, Zone 72 Kagawad Aleya Bidua matapos itong barilin sa mukha ng suspek na nakilalang si Rodney Santos.

Ayon kay PO3 Ferdinand Leyva, naka-duty si Bidua sa barangay hall nang lapitan ni Santos at malapitang binaril.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek, ngunit hinabol ito ng mga residente hanggang sa maharang ng mga pulis at naaresto.

Narekober mula kay Santos ang isang sumpak.

Itinuro ni Santos ang isang Rommel Bautista na siya umanong nag-utos sa kanya para barilin si Bidua.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong frustrated murder, bagaman nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad upang malaman ang kanyang tunay na pagkakakilanlan, maging ang kanyang alegasyon ukol kay Bautista.

Read more...