Higit 40% ng Pantawid Pasada cards naipamahagi na
Malaking porsyento na ng mga jeepney drivers sa buong bansa ang nakakuha ng kanilang Pantawid Pasada cards na isang fuel subsidy mula sa pamahalaan.
Sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hanggang December 18, mula sa target na 171,836 beneficiaries, 71,519 fuel cards na ang naipamahagi o 41.62% completion rate.
Sa Metro Manila pa lamang, 12,653 sa 35,644 mga benepisyaryo na ang nakakuha ng kanilang Pantawid Pasada cards.
Nangunguna ang Kalakhang Maynila sa may pinakamalaking bilang ng mga jeepney driver na benepisyaryo ng Pantawid Pasada Program, kasunod ang Region 4 at ikatlo naman ang Region 3.
Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, maaari pang makuha ng mga driver ang kanilang fuel card subsidy sa susunod na taon at lalamanin nito ang P5,000 subsidy para sa taong 2018 at dagdag na subsidiya para naman sa 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.