Kanya-kanyang naglabas ang mga opisyal ng militar ng listahan ng mga lugar kung saan posibleng umatake ang Communist New People’s Army Terrorists (CNTs) bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong araw.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Central Command (AFP-CenCom) chief Major General Noel Clement, minomonitor nila ang mga lalawigan ng Samar at Negros.
Sa North Central Mindanao at Northeast Mindanao naman, partikualar ang mga probinsya ng Bukidnon, Surigao del Sur, Surigao del Norte, agusan del Sur, at Agusan del Norte, naka-monitor ang 4th Infantry Division na pinamumunuan ni Major General Ronald Villanueva.
Maging sa Laguna, Rizal, Quezon, at Mindoro ay nakabantay si Major General Rhonderick Parayno ng 2nd Infantry Division.
Para naman sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Central Luzon, nakamonitor ang 7th Infantry Division ni Lieutenant Colonel Eugenio Osias sa Abra at Neuva Ecija.
Matatandaang ipinag-utos ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na magsagawa ng tactical offensives sa pamahalaan matapos tumanggi ang gobyerno na sabayan ang kanilang idineklarang unilateral ceasefire ngayong holiday season.