Lalaki patay sa pananakask sa Maynila

By Justinne Punsalang December 26, 2018 - 04:03 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin sa Baseco Compound sa Maynila.

Kinilala ang biktimang si Francis Roncales na isang tindero ng isda at gulay.

Kwento ng kanyang kinakasama, mula sa binyag ay nakipag-inuman si Roncales.

Posible umanong mayroong nakaaway sa naturang umpukan ang biktima, dahilan upang magkainitan at mauwi ang away sa saksakan naikinasawi nito.

Giit ng kanyang kinakasama, wala siyang alam na kaaway ni Roncales.

Batay sa tulo ng dugo sa pinangyarihan ng krimen, nagawa pang makatakbo ng biktima bago tuluyang humandusay sa kalsada.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek, maging ang motibo sa pananaksak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.