Target tax collection ng BOC Iloilo sa taong 2018, nalagpasan

Ibinida ng Bureau of Customs Port of Iloilo na nalagpasan ng kanilang hanay ang target na tax collection para sa taong 2018.

Ayon sa BOC Iloilo, nakakolekta ng buwis ang kanilang hanay ng 3.6 bilyong piso o 15.40 percent na mas mataas kumpara sa target collection na 3.1 bilyong piso.

Ayon pa sa BOC, na nalagpasan din ng kanilang hanay ang target tax collection para sa buwan ng Nobyembre.

Nakakolekta ang kanilang tanggapan sa Iloilo ng 330 milyong piso, lagpas sa target collection na 313 milyong piso.

Ibig sabihin mas mataas ito ng 5.47 percent.

Read more...