Tinanggap kanina ng Philippine National Police (PNP) mula sa United States Embassy ang apat na mobile detection system.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez ang mga Mercedez Benz vans ay may mga kagamitan na magagamit para makapag-detect ng mga chemical, biological, radiological at nuclear elements.
Dagdag ni Marquez, ang mga sasakyan ay gagamitin na nila para suyurin ang lahat ng areas of engagement ng APEC Meeting.
Ito ay para tiyakin na walang presensya ng mga radio active elements sa mga lugar.
Samantala, sinabi ni Michael Klecheski, ang Deputy Chief of Mission, taong 2005 pa nang mapag-usapan ng dalawang gobyerno ang mga naturang donasyon at natutuwa siya na dumating na at magagamit ito sa APEC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.