Pasko “generally peaceful” ayon sa PNP

By Den Macaranas December 25, 2018 - 03:57 PM

Radyo Inquirer

Sa kasalukuyang ay nanatiling tahimik ang pagdiriwang ng Pasko ayon sa monitoring ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang ulat ngayong hapon, sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na tatlong insidente lamang ang kanilang naitala sa kasalukuyan.

Kinabibilangan ito ng pamamaril ng isang pulis sa Caloocan City na ikinasugat ng ilan katao, kaso ng indiscriminate firing sa lalawigan ng Pangasinan at barilan sa pagitan ng New People’s Army members at tropa ng pamahalaan sa Davao Del Sur.

Umaasa ang pinuno ng PNP na magiging mapayapa sa susunod na mga oras ang buong bansa.

Kaugnay nito ay mananatiling nasa heightened alert status ang buong pwersa ng PNP at militar hanggang sa pagsalubong ng 2019.

Bukas ay nakatakdang ipagdiwang ng Communist Party of the Philippines ang kanilang ika-50 taong anibersaryo at inaasahan ng pamahalaan na sasabayan ito ng mga pag-atake lalo na sa mga lalawigan.

Iyun din ang dahilan kaya hindi tinapatan ng gobyerno ng ceasefire ang tigil-putukan na ipinatupad ng rebeldeng grupo.

TAGS: 2019, albayalde, Pasko, PNP, 2019, albayalde, Pasko, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.