Mga namamasko dagsa bahay ng pangulo sa Davao City

By Den Macaranas December 25, 2018 - 03:20 PM

Umabot na sa halos ay isang kilometro ang haba ng mga namamasko sa bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Central Park Subdivision sa Davao City.

Sa ulat ng Davao City Police Office, hindi baba sa 60,000 ang bilang ng mga taong pumila at kasalukuyang nakapila sa lugar para sa kanilang aginaldo.

Kaugnay nito ay mahigpit ang seguridad na ipinaiiral sa loob ng Central Park Subdivision para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Sa pagpasok pa lamang sa nasabing lugar ay mayroon nang itinalagang registration area para mapanatili ang kaayusan sa pila.

Nakatambay rin sa paligid ang ilang miyembro ng Davao City Rescue Team.

Ang Christmas gift-giving ay karaniwan nang tanawin sa bahay ng pamilya Duterte kahit noong mayor pa lamang sa lungsod ang pangulo.

Noong bisperas ng Pasko ay nag-ikot naman sa ilang ospital ang pangulo at namigay siya ng regalo at sinagot ang hospital bills partikular na ng mga batang may cancer.

TAGS: central park subdivision, Davao City, davao rescue team, duterte, gift-giving, central park subdivision, Davao City, davao rescue team, duterte, gift-giving

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.