1 patay sa sunog sa isang barangay sa Cebu City

By Mary Rose Cabrales December 25, 2018 - 01:27 PM

Nasawi ang isang 12 taong gulang na lalaki sa sunog na naganap sa Barangay Duljo Fatima, Cebu City, madaling araw ng Pasko, December 25.

Nakilala ang nasawi na si Cyrus John Ferras.

Batay sa imbestigasyon, natutulog ang bata sa loob ng isang computer shop nang maganap ang insidente. Sinubukang gisingin ng mga residente ang bata pero natulog itong muli.

Nang balikan ng mga residente ang lugar ay nasunog na ang buong establisimyento kasama ang bata.

Samantala, humihingi ng tulong si Cebu City Councilor Dave Tumulak para sa halos 500 biktima ng sunog.

Base sa Facebook post ni Tumulak, nahihirapan umano ang Department of Social Welfare and Services o DSWD ng Cebu City Government sa paghahanap ng supplier ng packed meals para sa mga nasunugan dahil sarado ang halos lahat ng mga supplier ng pagkain at tubig dahil Pasko.

Nanawagan rin ng tulong si Tumulak sa concerned citizens para magbigay ng pagkain at tubig para sa mga biktima.

 

 

TAGS: Cebu City, Cebu City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.