8 pelikulang Pilipino na kalahok sa MMFF 2018, mapapanood na
By Mary Rose Cabrales December 25, 2018 - 10:31 AM
Showing na ngayong araw ng Pasko, Martes (December 25, 2018) sa mga sinehan ang walong pelikulang Pilipino na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.
Mapapanood ang mga pelikulang:
- “Fantastica” nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at iba pa
- “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” tampok sina Coco Martin at Vic Sotto
- “Aurora” na pinagbibidahan ni Anne Curtis
- “Otlum” tampok ang ilang mga teen stars
- “Rainbow’s Sunset” na pinagbibidahan ng mga beteranong aktor na sina Eddie Garcia at Gloria Romero
- “The Girl in the Orange Dress,” tampok ang tambalan nina Jericho Rosales at Jessie Mendiola
- “Mary, Marry Me” nina Sam Milby at magkapatid na Toni at Alex Gonzaga
- At “One Great Love” naman na pagbibidahan nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC De Vera.
Ipapalabas ang walong pelikula simula ngayong araw December 25 hanggang January 7, 2019.
Gaganapin naman ang MMFF Gabi ng Parangal sa December 27 sa isang entertainment center sa Parañaque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.