Halos 500 katao sa Cebu City, nasunugan ngayong Pasko

Apat na sityo ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog sa Barangay Duljo Fatima sa Cebu City.

Naganap ang sunog 3:47 ng umaga at itinaas ito sa Task Force Alpha dakong 4:11 ng umaga ng Martes (December 25).

Ayon kay Fire Chief Inspector  Noel Nelson Abapon, Cebu City fire marshal, 200 bahay na gawa sa light materials at dikit-dikit ang nasunog at halos 500 katao ang nawalan na tirahan ngayong araw ng Pasko.

Aabot naman sa P3 million ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.

Ayon pa kay Abapon, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa maliit at masikip ang daan sa lugar.

6:26 ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon para malaman ang pinagmulan ng apoy.

 

Read more...