Pope Francis, umapela ng “sharing and giving” ngayong Pasko
Ngayong Pasko, nanawagan si Pope Francis sa lahat ng mga tao na sa halip na maging ganid, mas mainam na gawing parte ng buhay ang “sharing and giving.”
Sa kanyang Christmas Eve mass sa Saint Peter’s Basilica sa Rome, sinabi ni Pope Francis na huwag ding mamuhay sa “worldlines and consumerism.”
Paliwanag ni Pope Francis, para sa maraming tao, ang kahulugan ng buhay ay nakikita lamang nila sa pag-aari ng sobra-sobrang bagay at minsan ay pagkaganid na.
Ayon sa Santo Papa, tanungin ng mga tao ang kanilang sarili kung kailangan ba nila ng mga materyal na bagay sa kani-kanilang buhay, at kung kaya ng lahat ng mamuhay ng simple lamang.
“Standing before the manger, we understand that the food of life is not material riches but love, not gluttony but charity, not ostentation but simplicity,” bahagi ng caption sa post sa official Instagram account ni Pope Francis.
Samantala, ngayong Christmas day ay inaasahang ilalahad ni Pope Francis ang kanyang ika-anim na “Urbi et Orbi” address, na gaganapin din sa Saint Peter’s Square.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.