Gobernadora ng Puebla, Mexico at mister nito, patay sa helicopter crash

Nasawi ang isang gobernador ng Mexico at asawa nitong senador sa isang helicopter crash.

Inanunsyo ni Mexico President Andres Manuel Lopez Obrador na namatay sina Puebla Governor Martha Erika Alonso at Senator Rafael Moreno Valle nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng helicopter crash, na nangyari sa Huejotzingo.

Pero batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, bumagsak ang helicopter ilang sandali lamang makalipas itong mag-take off.

Si Alonso, na mula sa National Action Party o PAN at unang babaeng gobernadora ng Puebla, Mexico, ay wala pang dalawang linggo sa pwesto.

Naging kontrobersyal ang pagkakahalal sa kanya sa itinuturing na marahas na halalan, at inaakusahan pa ng pandaraya.

 

Read more...