Calubian, Leyte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Calubian sa lalawigan ng Leyte.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 8 kilometers northwest ng Calubian.

Naganap ang lindol alas 5:32 ng umaga ngayong Martes, araw ng Pasko.

Sinabi ng Phivolcs na may lalim na 6 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala naman ang intensity III sa Calubian, Leyte at Naval, Biliran at instrumental intensity I sa Bogo City at Ormoc City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...