Pabrika sa Antipolo City, Rizal tinupok ng apoy

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 04:35 AM

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naganap sa isang pabrika ng goma sa La Colina, Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Antipolo City Fire Marshall Fire Chief Inspector Orlando Antonio, pasado ala-1 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog na inabot ng dalawang oras bago tuluyang maapula.

Sa imbakan aniya ng rubber matting nagsimula ang apoy na mabilis kumalat sa buong gusali.

Dahil sa kapal ng usok at laki ng apoy ay nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang pagliliyab. Kinailangan pa aniyang gumamit ng kemikal at oxygen tanks at masks ang mga bumbero upang mapasok ang gusali at maapula ang sunog.

Ani Antonio, malaking tulong din ang firewall ng pabrika kaya hindi na kumalat pa sa mga katabing bahay ang apoy.

Maswerteng walang nasaktan sa insidente at patuloy na inaalam ang halaga ng pinsalang idinulot ng pagliliyab.

TAGS: Antipolo City, pabrika, Antipolo City, pabrika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.