Mga pulis na pumatay kay Kian delos Santos, umapela sa korte

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 04:25 AM

Inapela ng dalawang pulis na pumatay kay Kian delos Santos ang hatol sa kanila ng korte.

Nakasaad sa motion for reconsideration nina PO1 Jerwin Cruz at Jeremias Pereda na walang naganap na sabwatan sa pagitan nila at ni PO3 Arnel Oares tungkol sa insidente.

Anila, si Oares lamang dapat ang ma-convict dahil umamin ito sa korte na siya mismo ang nakaharap ni Kian sa sinasabing shootout.

Matatandaan na ang tatlong mga pulis ang hinatulang guilty matapos magnegatibo sa gunpowder residue ang napaslang na si Kian.

Sa desisyon ng Caloocan regional trial court, nakasaad na nagkuntsabhan ang tatlo para mapatayang walang depensang menor de edad at walang ebidensyang magpapatunay sa sinasabi nilang naganap na shootout.

Sa mosyon ng dalawang pulis, sinabi ng mga ito na tanging ang baril lamang ni Oares ang nagpositibo sa gunpowder residue, patunay na wala silang kinalaman sa insidente.

Sinabi pa ng dalawa na mayroong inconsistencies sa mga testimonya ng mga prosecution witness.

Sa desisyon ni Judge Rodolfo Azucena, Jr. nakasaad na sinabi ng mga saksi na nakita nilang nagpaputok din ng baril si Pereda habang hind siya pinigilan ni Cruz.

Ayon sa dalawang pulis, dapat ay pairalin ang rule of law sa pagpapataw ng hatol sa kaso.

TAGS: kian delos santos, kian delos santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.