7 sugatan sa pamamaril ng pulis sa Caloocan

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 04:23 AM

Sugatan ang pito katao, kabilang ang isang menor de edad, matapos mamaril ang isang aktibong pulis sa Barangay 28, Caloocan City.

Batay sa paunang impormasyon mula sa mga otoridad, mayroong lamay sa lugar kung saan naganap ang insidente.

Kabilang sa mga nagsusugal ang isang Ronald Tiembo ngunit sa kalagitnaan ng pagsusugal ay nagkaroon ng iringan si Tiembo at mga kalaro.

Tumayo umano ito at tinawag ang kapatid na si PO1 Danilo Tiembo ng Navotas City Police.

Pagdating sa lugar ng armadong pulis ay doon na naganap ang habulan at pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang mga basyo ng kalibre .45 baril at kalibre .38 revolver.

Hindi pa batid sa ngayon kung ang mga narekober na basyo ay mula sa baril ng pulis at kung mayroon pang ibang may dala ng armas nang maganap ang insidente.

Sumuko naman si PO1 Danilo Tiembo pagkatapos ng insidente.

Posible silang makasuhan ng illegal discharge of firearm at frustrated homicide.

TAGS: caloocan, Pamamaril, Shooting Incident, caloocan, Pamamaril, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.