Ito ang ibinabala ng Department of Health (DOH) sa publiko matapos ang makalunok ng paputok na Flash Bomb ang isang tatlong taong gulang na bata.
Maswerteng nailigtas ang bata matapos isugod at lapatan ng kaukulang lunas sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Eric Domingo, ang tanging kailangang gawin ng mga kasama ng isang taong nakalunok ng paputok ay agad dalhin ang biktima sa pinakamalapit na ospital.
Hindi aniya kailangang magpainom ng kung anu-ano o piliting pasukahin ang biktima dahil posible lamang itong magdulot ng karagdagang pinsala.
MOST READ
LATEST STORIES